18 12 / 2013

Nagsimula ang lahat sa skwela. Madalas ang stambay sa cafeteria. Laging may hawak-hawak na gitara. Isang barkadang kay saya. Yan tayo eh, pinakaMALUPET at pinakaASTIG. Ang bilis ng panahon no? Parang kahapon lang mga nene at totoy pa tayong lahat. Walang paki sa mundo walang kamuwang-muwang sa mga kalokohan o kabaliwan.

Apat na taon, apat na taon din tayong nagkasama. Sa “teamwork” alam niyo na yan. Sa simpleng pagpapili kung saan kakain sa mall. Pasahan kung sino ba talaga ang tatawag sa paboritong fast food chain ng barkada. Sisihan sa tuwing nagkapoblema kina ser at ma’am. At syempre ang special talent ng buong batch NINJA MOVES maging sa project, homeworks o kahit anu pa man yan.

Siguro, hindi ito ang pinangarap natin na SENIOR LIFE pero okay nalang din. Kasi ang batch sanay sa “streetwise” at alam na alam ng bawat isa na hindi dahil yun lang at doon lang magmumukmok nalang. Dahil, nakatatak na sa atin ang “make the most out of it” wala na tayong magagawa doon, ang kailangan lang dapat masaya tayo. Bakit? LAST NA KASI TO, walang panahon na dapat masayang.

Bakit nga ba TAAS NOO ako na batchmates ko kayo? Wala kasi tayong alitan o puot na nabuo para sa isat-isa. Yung tipo ng pagkakaibigan na hindi man minsan magkakasundo nangingibaw pa rin ang pagpapahalaga sa salitang pagkakaisa. Mga pare, tagos sa puso ang lungkot ko. Kasi, alam ko malapit na tayong magkawatak-watak.

Yung pinakamamimiss siguro ng buong batch ay yung biglaang “JAMMING” sa hallways tuwing lunch breaks o tuwing walang pasok. Alam ko, hindi mawawala yung madaliang pag idlip sa loob ng silid-aralan tapos sabay bulong sa seatmate na “Meg, pukawa lang ko kung magtulok si ma’am”. Sino naman ang hindi makakamiss sa pasahan ng pagkain, taguan ng text, at chissmiss unlimited habang nagkaklase si ma’am.

Ah, eto walang tatalo, lab works sus chicken yan! Nga lang, pag sinabi ni ma’am “get 1 whole piece of paper class” diyan susulpot ang mga katagang “Oy, ngayo ko da b papel ho, baydan taka karun”. Hilig na hilig ata ng buong barkada ang mag “cramming” isang gabi bago ipass ang project o bago mag exams. Astig eh no? Pwede naman gawin ng maaga, eh hayaan na siguro para may “thrill” lang.

Unang pag-ibig? Wow! sarap pakinggan, kasama ang buong tropa niyan, mula sa panliligaw hanggang sa unang pagkabigo magkakaramay tayong lahat diyan. Sa mahiwagang “chichirya” ng kaisa-isang kaibigan nating palaging may bit-bit na pagkain o inumin bigla-biglang “pagkain at inumin ng bayan na yan”.

4B, 4C, 4D, hindi man tayo magkakakilala lahat-lahat pero alam ko sa sarili ko isa kayong pinakamahalagang parte ng buhay ko. Mamiss ko kayo. PinakaMALUPET at pinakaASTIG kong batchmates. IBANG KLASE KAYO, nakakaproud itanghal sa darating na Marso ang salitang “The Graduates Batch 2014”.

4A, akala niyo nakalimutan ko kayo ano? Classmates, ni isang kusing wala akong pinagsisisihan maging sa alitan, tampuhan, sisihan na naganap sa ating apat na taong pagsasama. Alam niyo bakit? Kasi yun ang nagpatatag sa atin, yun ang bumuo sa pagkatao ng bawat isa. Yung mga alaala? Lubos akong nalulungkot doon, kasi, marami doon, hindi na mauulit pa at sadyang hanggang ala-ala nalang talaga.

Sa magulong mundo, sa mapaglarong pagkakataon, sa bilog na kapalaran ng bawat isa, sa malakas na ulan, at sa makapritong itlog na init hinding-hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay nakatagpo ako ng MALUPET at ASTIG na mga kaibigang katulad niyo. Masaya man o malungkot na gunita, mga tol, mamimiss ko yun ng sobra-sobra. Paano ba yan? Magmamartsa na tayo sa MARSO, walang limutan ha?

"Mga alala? Parang isang pelikula na walang tunog pero nagpapaiyak sa tuwing aking napapanuod"

18 12 / 2013

14 9 / 2013

Teka saan ba ako magsisimula? Ah eto alam ko na…

Kahit sa anong anggulo may pagkain talaga eh bago mag music class, cooking at entrepreneurship sa tle, lahat ng vacant time nakalaan yun sa foodtrip. Tara kain tayo, tapos may magsasabing oh cge ba, saan? Sagot ng nakakarami Ah basta kung saan ka doon ako. Sa simpleng pag pili ng lugar kung saan kakain aabot isang oras ang pagtatalo hanggang sa maikot na ang buong mall kakahanap ng kung saan ba talaga kakain ang grupo. Magulo diba? Ewan ko lang pero ang hilig2 talaga namin sa pagkain, natatandaan ko nung second year kami pagkatapos ng lunch break sugod mga kapatid sa cafeteria tapos reserve yung pagkain sa takdang alas tres impunto ng hapon. Trip din namin kumain ng streetfood at ng pambansang pantawid gutom ng barkada pancit canton with egg. Ayos dba?

Yung setting sa classroom namin hindi pangkaraniwan kasi hindi lahat magulo nasa likuran at hindi lahat ng mababait matatalino at masisipag nasa harapan, kami yung tipong pakalat-kalat ang gamit kung saan-saan. Mukhang mang patapon yan oy notebook ko yan, kahit sobrang liit na lapis naku lapis namin yan. At syempre hindi mawawala ang mahiwagang broombox mula noong freshmen years namin hanggang sa kung saang classroom na kami napunta dala-dala namin siya mahal namin yun eh. Naglalaman lang naman iyon ng mga instant project materials, basahan, libro minsan mga basurang tinatamad kaming itapon sa basurahan, eh ang layo kaya ng waste can sa classroom namin. Ganunpaman malinis naman siya. Mahalaga siya sa amin kasi yan ang aming all purpose broombox, minsan table, minsan basurahan, minsan locker, taguan ng kung ano-ano, minsan higaan pero eto yung the best broom box pero walang laman na broom o kahit dustpan manlang.

Yung mga kaklase ko iba-iba mayroong mga super heros taga pag bigay ng impormasyon sa bayan, tagapag gawa ng homeworks provider of all things, maging lapis, papel, ballpen, eraser, crayons, bondpaper, scissors, glue, sharpener at iba pa. Sila ang aming national bookstore. Mayroon din namang antukin, meron ding kahit saang lupalop ng classroom mo itapon maingay talaga kahit sinong seatmate sobrang makwento siya. Meron ding ang hilig-hilig mag mmk ng buhay niya, merong mga, kain lang ng kain nagrambulan na’t lahat kain parin ng kain. Meron din namang aral dito aral doon basa ng libro take down notes dito take down notes doon. Nakakayamot kaya, Mayroong mga mister Pogi, at sympre hindi mawawala ang mga magagandang binibini oh dba? Oh teka makakalimutan ko ba yung mga instant models at singers sa classroom? Sympre hndi. Higit sa lahat bet na bet ko parin yung mga comedian namin, corny madalas pero yung tipong hindi nakakapikon. Ah naku ewan, pareho-pareho parin kami. Maingay magulo baliw, masipag konti, medyo sabihin na nating matalino pero nangingibaw talaga yung pagiging masayahin ng buong grupo.


Sa nakalipas na tatlong taon nakita ko kung paano kami lumaki, at nagkaisip, umiibig, kiligin at marami pang iba, nakita ko din yung mga magagandang pagbabago na nangyari sa buhay namin. Marami kaming mga bagong kaibigan na nakilala mga pangarap na naabot, mga bagay na ni kailanman di namin inisip na magagawa pala namin. Pinakanatutunan sa grupo ay yung pagiging matatag sa kabila ng lahat na napagdaanan namin marahil patikim lang ito ng mas mahirap na mga suliranin na ihahain sa amin ng buhay. Siguro’y madaling tumalikod sa kung anong meron ang grupo ngayon, madaling sabihin na ah okay lang to makakahanap pa naman ako ng mga papalit sa mga taong toh, pero hindi eh, mahirap talaga eh, mahirap iwanan ang nakagisnan na naming buhay sa nakalipas na tatlong taon, malungkot isipin na sa susunod na taon babangon ako, at iba na yung mga kaharap ko sa araw-araw iba na yung magbibigay sa akin ng kaligayahan sa tuwing ako’y nakakaramdam ng kalungkutan o ng kasawian.

Pagkarating natin ng kolehiyo iba na yung ayos ng buhok natin, anyo ng pagsuot natin ng damit, iba na yung mga sapatos na kahihiligan natin iba na din yung mga lugar na tatambayan natin at ang malungkot pa doon iba na yung mga taong kasama natin sa pagharap sa hamon ng buhay. Hindi ko na mawawari ang katotohanang malapit na talagang dumating ang araw na magkakahiwa-hiwalay na ang grupo pero sa halip na ako’y magmukmok at umiyak sa isang sulok ngingiti pa rin ako. Alam niyo kung bakit? Dahil, sa minsan may nakilala akong mga kaibigang tapat at totoo mga kaibigang pamilya na ang turing ko. Mga taong hindi ako iniwanan sa mga panahong kinakailangan ko ng masasandalan. Mga taong kalokohan ang alam, mamimikon ng husto pero lalambingin ka. Alam niyo yung talaga ang mamimiis ko, mga tampuhan ng grupo, asaran, kwentuhan, bangayan, mga pagtatalong sa tuwing naayos ginagawang katatawanan.


Hindi ito ang pangarap kong buhay sa high school hindi naman kasi ito sing saya ng nakikita ko sa mga pelikula. Pero lumampas ata lahat ng ninanais ko salamat sa barkada naging triple ang saya ng buhay ko sa high school, hiling ko lang sana, ngayong malapit na tayong tumahak ng ibat-ibang landas sana lahat ng mag bebest friends ganun pa rin lahat ng grupo sana kahit magkalayo-layo man sana pagnagkitakita walang magbabago. Sana magsilbing aral sa atin ang lahat ng mga pinagdaanan natin, sana lahat tayo maging masaya sana lahat tayo maging matagumpay balang araw sana lahat tayo palaging mag-ingat para sa susunod na pagkikita natin babalikan natin lahat ng saya at lungkot na naranasan natin sa tinatawag nilang high school life…


Hindi ko inakala na yung mga masasayang ala-ala ay magbibigay sa akin ng ganitong klase ng lungkot, hindi man perpekto ang pagkakaibigan natin, ito lang masasabi ko kayong lahat walang kapalit ditto sa puso ko. Kaya, magpakabait kayo ha? Huwag mapipikon agad-agad pag may nang asar sa inyo. Pag nalulungkot kayo, palagi niyong iisipin ang barkada nandirito…

28 7 / 2013

Everybody turns out a somebody which is the least we expected them to be. Massive doubts came rushing through your head. From that very moment, there you are questioning every move you make. Having this one stupid line in your head “I can’t go wrong this time”. Oh wait, just to remind you, you’re human and that is certainly not a tolerating phrase.

When was the last time you’ve been happy all by yourself? When was the last time you appreciated something you’ve done by your own? Was it a week, a month, or a year ago? There will always be times that you will be needing somebody’s company to make you feel happy but let us consider the fact that not everything is permanent and as far as we are all concerned we just really need to stand by our own.

Maybe it is fair and just to give time for yourself and to start believing on yourself. We’ve been too busy hurrying things out. Let us all try to pause and think for a while to enjoy every single moment because once it passes by you can never turn back time, am I right? Never mind those people who try to pull you down. After all, you don’t live for them you live for YOURSELF.

Take that stupid risk and never blame yourself because at the end of the day when there’s nobody left behind it’s just YOU, YOU and only YOU that matters the most. In a quick snap it’s a moving world so give yourself a little treat and take a quick break or shall I say TAKE TIME.